Pagbabakuna para sa mga persons with comorbidity sisimulan na sa Linggong ito sa Carmona Cavite


Sisimulan na Linggong ito ng Carmona Cavite LGU ang pagbabakuna sa mga kabilang sa persons with comorbidity o mga kabilang sa A3 priority group sa kanilang bayan. 
Ito ay matapos na dumating na sa Carmona Cavite ang 833 dose ng Sinovac vaccine na nakalaan para sa kanilang bayan.


Nananawagan naman ang mga opisyal ng Carmona Cavite na hindi muna babakunahan ang mga senior citizen (A2) dahil ang dumating na bakuna ay hindi aniya angkop para sa kanilang edad ayon sa derektuba ng Department of Health.


Muli ding pinapaalalahanan ni Carmona Cavite Mayor Roy Loyola ang mga nakatanggap na ng bakuna na huwag pa ring kalilimutan na sumunod sa minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, pagdistansya ng isang metro mula sa mga makakasalamuha, at palaging paghuhugas ng mga kamay.

photo courtesy: Carmona Municipal Gov’t
Please follow and like us: