Pagbabakuna sa mga senior citizens sa San Juan City gamit ang CoronaVac, sisimulan sa Abril 12

Sa darating na Lunes pa uumpisahan ng San Juan City Government ang pagbabakuna sa mga senior citizens gamit ang CoronaVac mula sa Sinovac.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, susundin nila ang direktiba mula sa National COVID-19 Vaccination Operations Center na sa Abril 12 sisimulan ang CoronaVac vaccination sa mga may edad 60 years old pataas.

Ito ay upang bigyan ng oras ang mga vaccination areas na ayusin ang iskedyul ng mga recipients at iba pang arrangement sa pagbabakuna.

Dahil dito, sinabi ng alkalde na hihintayin nila ang April 12 na designated date para sa rollout ng CoronaVac para sa mga senior citizens.

Moira Encina

Please follow and like us: