Pagdaragdag ng mga public hospital at bed capacities, isinabatas ni Pangulong Duterte

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging ganap nang mga batas ang 16 legislative bills na inaasahang tutugon sa pangangailangan ng mga karagdagang pagamutan lalo na sa panahon ng pandemya.

Karamihan sa mga batas na ito ay ukol sa pagtatayo ng mga public hospital at pagdaragdag ng bed capacities ng mga kasalukuyang pagamutan sa buong bansa.

Ang ceremonial signing ay ginanap sa Rizal Hall ng Palasyo ng Malacañan at sinaksihan nina Executive Secretary Salvador Medialdea, House Speaker Lord Allan Jay Velasco, House Majority Floor Leader Ferdinand Martin Romualdez at Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go.

Please follow and like us: