Pagdaraos ng Holiday gatherings at get-together sa mga Government at Private offices sa Mandaluyong City, ‘Strictly Discouraged’

photo credit: Mandaluyong city PIO FB Page

Hinimok ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong City ang mga pampubliko at pribadong tanggapan at establisiyimento sa lungsod laban sa pagsasagawa ng mga holiday gatherings at get-together.

Sa memorandum na may lagda ni Mayor Carmelita Abalos, sinabi na “strictly discouraged” ang pagdaraos ng mga parties, reunion, at iba pang merry-making activities ngayong holiday season sa lahat ng opisina at ahensya ng pamahalaan sa Mandaluyong.

Kabilang sa mahigpit na ipinapayong huwag gawin ay ang mga pool at out-of-town parties kung saan posibleng malabag ang physical distancing at health protocols.

Layon nito na maiwasan at makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa lugar ng trabaho ngayong holiday season.

Moira Encina

Please follow and like us: