Paggamit ng StaySafe app malaking tulong sa contact tracing

Hinihikayat ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang publiko na makipagtulungan sa contact tracing.

Sinabi ni Cabinet Secretary at Co- chair ng IATF, Karlo Nograles na gamitin ang StaySafe app at StaySafe.ph system para sa automated contact tracing.

Maliban sa ginagawang contact tracing ng LGUs mahalaga din anya na may automatic at automated contact tracing na isang paraan para labanan ang problema sa COVID-19.

Kaugnay nito nanawagan din si Nograles sa lahat ng mga establisyimento na gamitin ang application para makatulong sa contact tracing efforts ng pamahalaan.

Please follow and like us: