Pagiging DOJ Secretary tinaggap na ni House deputy speaker Boying Remulla

Tinanggap na ni House Deputy Speaker Jesus Crispin “Boying” Remulla ang alok na maging kalihim ng Department of Justice o DOJ sa ilalim ng administrasyon ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Ayon kay Remulla, isang karangalan para sa tulad niyang abogado ang magkaroon ng pagkakataon na maging DOJ secretary.

Si Remulla ay kinatawan ng ika-pitong distrito ng Cavite.

Sa 18th Congress, maliban sa pagiging Deputy Speaker ay tumayo siyang Vice Chairperson ng House Committee on Good Government and Public Accountability at senior Deputy Majority leader ng House Committee on Rules.

Vic Somintac

Please follow and like us: