Pagkakaroon ng Vaccine Institute, isinusulong ng DOST

Photo: FB of Secretary Fortunato dela Peña

Isinusulong Department of Science and Technology (DOST), na maaprubahan na sa senado ang pagkakaroon ng vaccine institute.

Sinabi ni DOST Secretary Fortunato dela Peña na may pondo na para rito.

Ayon sa kalihim, natutuwa siya at mabilis itong inaksiyunan sa kamara. Umaasa aniya siya na susuportahan at pahahalagahan ito ng senado.

Noong Hulyo ay inaprubahan na ng kongreso na magkaroon ng Center for Disease Control at Virology Research Institute sa Pilipinas.

Please follow and like us: