Paglilimbag ng huling batch ng higit 67 milyong official ballots, natapos na ng Comelec

Natapos na ng Commission on Elections ang pag-iimprenta ng huling batch ng 67.4 milyong mga balota para sa May 9, 2022 National at Local elections.

Nabatid na nauna pa ito sa itinakdang petsa ng paglilimbag.

Nagsimula ang printing ng mga balota noong Enero 23 at target na matapos sa Abril 25.

Ang huling batch ng mga naimprentang balota ay isasailalim sa verification process.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia, may 319,138 overall “quarantined” ballots at  178,990 defective ballots hanggang nitong Abril 2, 2022.

Ang mga depektibong balota naman ay sisirain.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: