Pagpapatupad ng 3-strike policy sa mga RFID na may insufficient balance, hiniling na ipagpaliban

Dapat ipagpaliban ng Toll Regulatory Board (TRB) ang implementasyon ng 3- strike policy sa mga RFID na hindi sapat ang load.

Sa May 15 na nakatkdang ipatupad ang nasabing polisiya.

Sinabi ni Atty. Ariel Inton, presidente ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), hindi napapanahong ipatupad ito sa gitna ng nararanasang Pandemya.

Maliban dito, marami pa rin ang mga reklamo hinggil sa nawawalang load kahit hindi naman nagagamit.

Maaari namang ipagpaliban ang pagpapatupad nito lalu na sa mga motoristang patuloy na nakararanas ng aberya sa mga Toll gate.

Please follow and like us: