Pagpapatupad ng “Heat stroke break” sa mga MMDA field personnel, epektibo hanggang May 31

Hanggang sa katapusan ng buwang ito ng Mayo pa ang pagpapatupad ng 30 minutong “Heat stroke break” sa mga field personnel ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ito ay bilang proteksyon sa kanilang mga traffic enforcer at street sweepers na palaging nakabilad sa araw lalu na ngayong tumataas pa ang temperatura ngayong tag-init.

Nilinaw naman ni MMDA Chairman Benhur Abalos na hindi dapat sabay-sabay ang break na gagawin upang hindi makasagabal sa operasyon ng MMDA.

Please follow and like us: