Pagsabog sa isang gas depot sa Lebanon, sampu ang nasaktan

Fire and smoke plumes rise at the scene of an explosion in the Lebanese Hermel governorate in the eastern Bekaa valley, near the Syrian border, on January 3, 2021. – At least ten people were injured in the explosion of a gas storage warehouses in an area bordering Syria, the Lebanese Red Cross said. (Photo by – / AFP)

BEIRUT, Lebanon (AFP) — Hindi bababa sa sampu katao ang nasaktan nang yanigin ng pagsabog ang isang warehouse kung saan nakaimbak ang mga gas canister, malapit sa border ng Lebanon at Syria.

Ayon sa Lebanese Red Cross, nag-dispatch na sila ng tatlong pangkat ng rescuers sa village ng Al-Qasr sa silangan ng Hermel region, kung saan nangyari ang pagsabog at itinakbo sa pagamutan ang mga nasaktan.

Sinabi naman ng Lebanese army spokesman, na ang ang nangyari ay sanhi ng sumabog na gas canisters sa warehouse.

Ang rehiyon ng Hermel ay kilala dahil dito ilegal na tumatawid ang mga smuggler para maglabas o magpasok ng iba’t-ibang uri ng kontrabado sa magkabilang panig ng Lebanon at Syria.

Ang smuggling ay kapwa nangyayari sa dalawang bansa, ngunit lumala ang smuggling activities sa Syria nang mag-umpisa ang giyera doon noong 2011, at nang maharap ang bansa sa krisis sa ekonomiya at international sanctions.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: