Pagsasaayos ng ilang imprastraktura sa QC tuloy kahit may Pandemya

Hindi naging hadlang ang nararanasang Pandemya upang maipagpatuloy ang pagsasaayos ng ilang imprastraktura sa Quezon City.

Ayon sa City Government, kabilang sa naisaayos ay ang NAMALU HOA Park sa Barangay Old Balara.

Bukod dito, isinaayos din ang covered basketball courts sa Barangay Villa Maria Clara at Barangay Libis.

Binigyang diin ni Mayor Joy Belmonte na hiniling ng mga Chairman ng mga lugar na nasasakupan ang pagsasaayos  kahit na may Pandemyang nararanasan dahil napakahalaga na sa oras ng emergeny ay may matatakbuhan ang mga residenteng naninirahan malapit sa  mga lugar na nabanggit.

Belle Surara

Please follow and like us: