Pagsasaayos ng turnouts sa Taft Avenue, magpapatuloy

photo credit: DOTr MRT-3 FB page

Nag-anunsyo ang pamunuan ng Metropolitan Railway Transit (MRT-3), na magpapatupad pa rin ng partial operation ang rail line habang isinagawa ang pagsasaayos ng turnouts sa Taft Avenue station.

Ang pagsasaayos ay ipagpapatuloy sa October 31 hanggang November 2, 2020 at November 14 at 15.

Ang partial operation ay mula North Avenue station hanggang Shaw Boulevard ay magpapatuloy batay sa mga nakalatag na petsa.

Ang pagpapalit ng turnouts ay sinimulan noong Oktubre 10, 2020 bilang bahagi ng massive rehabilitation at maintenance na isinasagawa ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries mula sa bansang Hapon sa buong linya ng MRT-3.

(DOTr MRT-3 FB page)

Please follow and like us: