Pagsasabatas ng Sim card registration sa susunod na Kongreso, muling isusulong

Muling isusulong ni Senador Grace Poe ang pagsasabatas ng Sim card registration sa susunod na Kongreso.

Sa harap ito ng pagkalat ng mga text spam na nag- aalok ng trabaho na may malaking sweldo at nagsasabing nanalo sa mga promo kahit pa may babala na hinggil dito ang National Telecommunications Commission .

Ayon kay Poe, wala pa kasing batas na nagbabawal sa ganitong pangloloko at marami pa ring mga Pilipino ang nabibiktima.

Sinabi ng Senador na kailangang paigtingin ng gobyerno ang pagsupil sa nagkalat na mga scammers at kanilang mga iligal na aktibidad .

Aniya ang batas sa Sim card registration ay dapat tapatan ng epektibong pagpapatupad ng mga kasalukuyang batas at regulasyon para mahinto ang text scam.

Meanne Corvera

Please follow and like us: