Pagsusuot ng face shield kapag lalabas ng bahay, obligado na sa Sta Rosa City, Laguna

Kinakailangan nang magsuot ng face shield bukod pa sa face mask kapag lalabas ng bahay sa Santa Rosa City, Laguna.

Alinsunod sa Executive Order No. 42 Series of 2020 na inisyu ni Mayor Arlene Arcillas, sinabi na required na ang pagsusuot ng parehong face shield at face mask ng mga residente kapag nasa labas ng kanilang tahanan.

Ipinag-utos ito para magkaroon ng dagdag na proteksyon  laban sa pagkahawa sa COVID-19.

Sa pinakahuling tala ng City Health Office, nadagdagan ng limang bagong kumpirmadong kaso ng virus at anim na bagong gumaling ang Santa Rosa.

Sa kabuuan mayroon pang 44 na aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Moira Encina

Please follow and like us: