Pagtanggi ng Pilipinas sa tulong ng EU posibleng bawiin pa ng Pangulo – Sec. Pernia

0
pernia 1

Hindi pa isang ganap na polisiya ang pagtanggi ng Pilipinas sa tulong ng European Union at maari pa itong bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iito ang inihayag ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, at aminado din itong hindi isang tamang desisyon ang nasabing hakbang.

Naniniwala si Pernia na babawiin din ng Pangulo ang naging pahayag.

Ang nasabing desisyon ay kasunod ng pagtulak ng mga miyembro ng delegasyon ng Pangulo patungong Geneva, Switzerland para ipaliwanag ang sitwasyon ng human rights sa bansa.

 Ang naturang financial aid ay para sana sa Mindanao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *