Pagtaas ng singil ng mga LGU sa mga Business permit, pinaiimbestigahan sa Senado

Pinaiimbestigahan ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel sa Senado ang reklamo ng pagtaas sa singil sa business permit ng ilang mga local government units ngayong may nararansang Pandemya.

Nababahala si Pimentel, chairman ng Senate Committee on Trade na nagpataw ng mas mataas na singil at dagdag pahirap sa mga nagnenegosyo sa halip na tulungan ng gobyerno.

Sa naunang reklamo ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, ang ilang LGU ay naniningil umano ng business renewal fee batay sa kinita ng isang kumpanya noong 2019 o bago pa man maranasan ang Pandemya.

Taliwas ito sa patakaran na dapat maningil ng renewal fee batay sa kinita ng isang negosyo noong nakaraang taon.

Meanne Corvera

Please follow and like us: