Pamilya Marcos at Pamilya Duterte, habambuhay na magkaalyado

Magiging magkaalyado habambuhay ang pamilya Marcos at pamilya Duterte.

Ito ang tiniyak ni Senador Imee Marcos matapos ang panunumpa ni Vice President Elect Sara Duterte bilang ika -labinlimang pangalawang Pangulo ng Pilipinas.

Ang pamilya Marcos ay kabilang sa guest of honor at tinawag sa stage para magpa picture sa pamilya Duterte kasama ang kanilang mga magulang.

Pagkatapos ng Photo Ops kita na nagkamayan at tinapik pa ni President Elect Bong Bong Marcos Jr., ang likod ni Pangulong Duterte habang ang kaniyang anak na si Incoming Ilocos Norte Representative Sandro Marcos ay nagmano sa Pangulo bilang pagpapakita ng kaniyang paggalang.

Naging mahigpit rin ang yakapan nina Senador Imee at VP Sara, Incoming first lady Liza Araneta-Marcos at ginang Elizabeth Zimmerman.

May ibinulong rin si Senador Imee kay Pangulong Duterte habang pababa ng stage.

Ayon sa Senadora, pinasalamatan niya lang ang Pangulo sa mga nagawa nito sa bansa at lalo na ang ginawang maging proud muli ang mga Pilipino.

Meanne Corvera

Please follow and like us: