Pangalan ng mahigit 100 nominado bilang hukom sa iba’t ibang korte sa Bicol, isinumite na ng JBC sa Malacañang

Umaabot sa 105 nominado bilang hukom sa iba’t ibang korte sa Region V o Bicol Region ang pasok sa shortlist ng Judicial and Bar Council.

Isinumite na ng JBC ang pangalan ng mga nominado sa Malacañang para pagpilian ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mga nominado ay para sa judgeship positions sa ilang branches ng regional trial courts sa Legazpi City, Albay; Daet, Camarines, Norte; Naga City, Camarines, Sur; San Jose, Camarines, Sur; Bulan, Sorsogon; at Sorsogon City, Sorsogon.

Gayundin, sa mga nabakanteng posisyon sa municipal trial courts ng Guinobatan at Daraga sa Albay; Bombon, Caramoan, Minalabac, at Tinambac sa Camarines Sur.

Kabilang rin sa isinumite ang mga nominees bilang hukom sa municipal trial court in cities sa Camaligan-Gainza-Milaor, Camarines Sur; Aroroy-Baleno, Masbate; Cataingan- Pio V. Corpuz, Masbate; at Donsol, Sorsogon.

Moira Encina

Please follow and like us: