Pangulong Duterte, hindi maituturing na lame duck president ayon sa malakanyang

Bagamat humigit kumulang tatlong buwan na lamang ang natitirang araw ng Duterte administration hindi maituturing na lame duck president si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Acting Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar, na iba si Pangulong Duterte sa mga naunang presidente ng bansa na nagiging lame duck president kapag patapos na ang termino.

Ayon kay Andanar, nananatiling mataas ang approval, trust at performance rating ni Pangulong Duterte sa huling yugto ng kanyang administrasyon.

Inihayag ni Andanar, nangangahulugan lamang ito na nananatili ang suporta ng publiko sa Pangulo kahit dumadaan ang bansa sa matinding problema na dulot ng pandemya ng COVID-19 na nagdulot ng pagkalugmok ng buhay at kabuhayan ng bansa.

Vic Somintac

Please follow and like us: