Pangulong Duterte, mayroon ng naitabing pera pambili ng anti Covid-19 vaccine

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na mayroon ng pera na pambili ng bakuna laban sa Covid-19.

Sa kanyang Address to the Nation, sinabi ng Pangulo na mayroon ng naitabing inisyal na  pondo ang pamahalaan upang makabili ng bakuna laban sa Covid-19 para sa unang 20 milyong mahihirap na Pinoy.

Ayon sa Pangulo naghahanap pa siya ng karagdagang pondo para lahat ng 113 milyong mga Pinoy ay mabakunahan laban sa Covid-19.

Inihayag ng Pangulo handa ang Pilipinas na bumuli ng bakuna kontra Covid-19 alinman ang mauna na maaprobahan mula sa Russia, China o Amerika.

Niliwanag ng Pangulo batay sa report sa kanya ni Health Secretary Francisco Duque III sa Abril pa ng susunod na taon inaasahang magiging available sa merkado ang iniimbentong bakuna laban sa Covid-19.

Vic Somintac

Please follow and like us: