Pangulong Duterte , nagpaabot na ng maagang pagbati sa mananalong bagong Presidente ng bansa

Nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Elections o COMELEC , mga guro, mga sundalo, mga pulis , sa mga civil society groups at mga libo-libong volounteers na nagtrabaho kaya nagkaroon ng payapa at maayos na halalan sa bansa noong May 9.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang regular weekly Talk to the People.

Nagpaabot narin ng advance na pagbati ni Pangulong Duterte sa mananalong bagong Presidente ng bansa.

Sinabi ng Pangulo na sana ang bagong Presidente ay ipagpapauna ang kapakanan ng Sambayanang Pilipino.

Samantala sa mga hindi pinalad na nanalo sa katatapos na eleksyon nanawagan ang Pangulo na patuloy nilang pagsilbihan ang kanilang mga constituent.

Vic Somintac

Please follow and like us: