Pangulong Duterte , nagpaliwanag sa publiko sa pagreretiro sa politika

Nagbigay ng konkretong paliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-urong sa pagkandidato sa Vice President sa halalan sa 2022 at pagreretiro sa politika.

Ginawa ng Pangulo ang paliwanag sa kanyang weekly regular Talk to the People.

Sinabi ng Pangulo na matapos timbangin ang sentimiyento ng taumbayan sa mga forum consultation at survey panahon na para bigyan ng pagkakataon ang mga bagong lider na naghahangad na pamunuan ang bansa.

Ayon sa Pangulo, umaasa siya na itutuloy ng mga bagong mahahalal na pinuno ng bansa ang mga reporma at programa ng pamahalaan na inumpisahan ng kanyang administrasyon na may kinalaman sa pagbaka sa kriminalidad, ilegal na droga, kurapsyon,terorismo at pagsusulong sa ekonomiya maging sa imprastraktura.

Magugunitang sa kabila ng pahayag ng Pangulo na magreretiro na siya sa politika pagkatapos ng kanyang termino sa June 30, 2022 marami parin sa mga kritiko ang hindi naniniwala.

Vic Somintac

Please follow and like us: