Pangulong Duterte nakilahok sa Earth day 2021

Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita sa Earth Day 2021.

Sa kanyang mensahe ipinaalala ng Pangulo na tungkulin ng sangkatauhan na pangalagaan ang ating planeta.

Sinabi ng Pangulo na dapat magkaisa ang lahat ng sektor para sa pangangalaga ng ating kapaligiran para malabanan ang Climate Change na nagdudulot ng matinding pinasala sa buhay at kabuhayan.

Ayon sa Pangulo habang sinisikap ng pamahalaan na makabangon sa pinsalang dulot ng pandemya ng COVID -19 kailangang panatilihin ang malinis na kapaligiran para sa mas malusog na pamumuhay.

Magugunitang maliban sa pandemya ng COVID- 19 pangunahing problema sa buong mundo ang epekto ng Climate Change.

Vic Somintac

Please follow and like us: