Pangulong Duterte personal na ikakampanya ang mga manok ng ruling party PDP laban simula sa March 31

Kinumpirma ng Malakanyang na pangungunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proclamation rally ng ruling party PDP Laban na gaganapin sa Cebu sa March 31 araw ng Huwebes.

Sinabi ni Acting Cabinet Secretary Melvin Matibag na personal nai-iendorso ng Pangulo ang mga senatoriable ng administrasyon.

Ayon kay Secretary Matibag, asahan na magiging aktibo ang Pangulo sa pangangampanya sa mga manok ng ruling party PDP Laban sa mga susunod na araw.

Inihayag ni Matibag kahit magiging abala ang Pangulo sa campaign period hindi mapapabayaan ng Chief Executive ang governance o pamamahala sa gobyerno.

Hindi naman masabi ni Matibag kung ikakampanya narin ng Pangulo ang presidentiable at vice presidentiable na inindorso ng ruling party PDP Laban sa katauhan nina dating Senador Bong Bong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte.

Vic Somintac

Please follow and like us: