Pangulong Duterte , personal na tiningnan ang isinasagawang 3 araw na bayanihan bakunahan laban sa COVID-19

Personal na tiningnan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinasagawang tatlong araw na Bayanihan Bakunahan laban sa COVID-19.

Nagtungo ang Pangulo sa SM Masinag sa Antipolo City sa lalawigan ng Rizal na isa sa itinalagang vaccination sites.

Ang Bayanihan Bakunahan laban sa COVID 19 ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan para mapalakas ang mass vaccination program laban sa COVID-19 pandemic.

Magugunitang naglabas ng kautusan ang Pangulo para obligahin ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na tumulong sa isinasagawang 3 araw na Bayanihan Bakunahan laban sa COVID-19 kung saan inaasahan na aabot sa 9 na milyong indibiduwal ang mababakunahan.

Vic Somintac

Please follow and like us: