Pangulong Duterte simple lamang ang pagdiriwang ng kaaraawan sa piling ng kanyang Pamilya sa Davao – Malakanyang

Gaya ng nakaugalian simple at tahimik lamang na ipinagdiwang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ika 77 taong kaarawan ng kapanganakan sa piling ng kanyang pamilya sa Davao.

Sa isang birthday greetings statement na inilabas ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar kaisa ang sambayanan sa panalangin para sa Pangulo na sana ay bigyan pa siya ng malusog na pangangatawan at kaisipan para mapangunahan pa ang bansa hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino sa June 30.

Sinabi ni Andanar sa ilalim ng Duterte administration ay naisulong ang maraming pagbabago sa bansa bagamat dumadaan sa problema dahil sa pandemya ng COVID-19.

Nauna ng inihayag ng Pangulo na ang kanyang birthday wish ay magkaroon ng malinis at mapayapang halalan sa bansa sa Mayo upang maayos na maisalin ang poder ng kapangyarihan sa mananalong bagong Presidente.

Vic Somintac

Please follow and like us: