Pangulong Duterte tapos na ang quarantine at negatibo sa COVID-19

Walang dapat na ipangamba ang publiko dahil hindi nahawaan ng COVID-19 si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ma-exposed sa kanilang kasambahay na positibo sa coronavirus.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na tapos na ang quarantine ng Pangulo batay sa assessment ng kanyang mga doktor at babalik na ang kanyang regular weekly Talk to the People sa Lunes.

Ayon kay Nograles maganda ang resulta ng medical check up ng Pangulo sa Cardinal Santos Medical Center at nasa maayos na kalusugan para sa kanyang edad.

Inihayag ni Nograles kahit naka-quarantine ang Pangulo ay nagampanan niya ang kanyang tungkulin sa pamamalakad sa gobyerno katulong ang mga miyembro ng gabinete.

Vic Somintac

Please follow and like us: