Pangulong Duterte , tiniyak ang mapayapa at maayos na pagsasalin ng kapangyarihan sa mananalong presidente sa 2022 elections

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng maayos at mapayapang halalan sa bansa sa susunod na taon.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang regular weekly Talk to the People mananatiling neutral ang administrasyon upang maisagawa ang halalan sa bansa para sa mga bagong manunungkulan sa pamahalaan.

Ayon sa Pangulo hindi niya papayagan na magkaroon ng vote buying, terorismo at pananakot upang sagkaan ang kredibilidad ng resulta ng halalan.

Inihayag ng Pangulo na isang karangalan para sa kanya na isalin ang poder ng kapangyarihan sa kanyang kapalit matapos makapaglingkod sa sambayanang pilipino.

Vic Somintac

Please follow and like us: