Pangulong Duterte , wala pang desisyon kung tatakbong Senador sa 2022 elections – Malakanyang

Wala pang pasiya si Pangulong Rodrigo Duterte sa panawagan ng kanyang mga kasamahan sa ruling party PDP Laban na tumakbong senador sa halalan sa 2022.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na ikinokonsidera ng Pangulo ang posibleng pagtakbo sa senado.

Ayon kay Roque hintayin na lamang ang pinal na pahayag ng Pangulo hinggil sa kanyang political plans.

Magugunitang tinanggihan na ng Pangulo ang endorsement ng kanyang partido bilang Vice Presidential candidate sa 2022 elections at nagpahayag na magreretiro na sa politika pagkatapos ng kanyang termino sa June 30, 2022.

Batay sa panuntunan ng Commission on Elections o COMELEC maaari paring humabol ang sinuman na nagnanais tumakbo sa halalan sa 2022 sa pamamagitan ng substitution process na ang deadline ay hanggang November 15, 2021.

Vic Somintac

Please follow and like us: