Pangulong Duterte, walang exposure kay Mayor Sarah na nagpositibo sa Covid-19

Tiniyak ng Malakanyang na ligtas si Pangulong Rodrigo Duterte sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential Security Group Commander Colonel Randolph Cabangbang, walang exposure ang Pangulo sa kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na nagpositibo sa virus.

Ayon kay Cabangbang walang dahilan para mag-isolate ang Pangulo.

Una rito, pinayuhan ng kampo ni Mayor Sara ang mga nakasalamuha na mag-self-isolate at sumailalim sa COVID-19 test.

Huling public appearance ng Pangulo ay noong Biyernes, October 8, kung saan sinamahan niya ang mga Senatorial candidate ng administrasyon na naghain ng kani-kanilang Certificate of Candidacy sa Commission on Elections sa Sofitel Hotel sa Pasay City.

Vic Somintac

Please follow and like us: