Pangulong Duterte wala raw ini-eendorsong kandidato sa May election

Wala raw i-eendorsong kandidato si Pangulong Rodrigo Duterte sa eleksyon sa Mayo.

Ito ang tiniyak ng Pangulo kay Senate President Vicente Sotto na kumakandidatong pangalawang pangulo.

Ayon kay Sotto mahalaga ang endorsement ng Pangulo sa sinumang tumatakbo sa halalan

pero nagkausap na sila sa telepono ng pangulo at sinabing wala siyang papanigan sa sinumang kandidato.

Ang pag uusap nila ng pangulo ay nasaksihan nina Senador Bong Go at Ping Lacson

Ito’y kahit kasama pa sa mga tumatakbo ang kaniyang anak na si Davao city Mayor Sara Duterte Carpio.

Nangangahulugan ito na nais ng pangulo na bigyang laya ang mga tumatakbo na mailahad ang kanilang mga plataporma sa publiko at hayaang makapamili ang mga botante.

Meanne Corvera

Please follow and like us: