Panibagong 22 kaso ng Covid-19 sa Albay, naitala

Nakapagtala ng panibagong 22 kaso ng Covid-19 sa Albay province.

Sa datos ng Department of Health (DOH-Bicol), 13 sa mga ito ay mula sa bayan ng Bacacay, isa naman sa bayan ng Oas, 3 sa Legazpi City, isa sa Malinao, isa sa Ligao city, 2 sa Tabaco city at isa ay mula sa Guinobatan, Albay.

Sa kabuuan, umabot na sa 1,399 Covid-19 cases sa lalawigan at nasa 221 ang aktibong kaso.

Gayumman, nasa 1,088 na ang bilang ng mga nakakarekober sa karamdaman habang sa 70 ang mga nasawi.

Patuloy na pinapayuhan Ang lahat, na sumunod sa mga Health protocol para maiwasan na mahawa ng sakit.


Vincent Mendoza, EBC Correspondent

Please follow and like us: