Panibagong big-time oil price hike, inaasahang ipatutupad bukas

Sa ika-10 magkakasunod na linggo, magpapatupad muli ng panibagong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Sa magkakahiwalay na advisories, sinabi ng Chevron Philippines, Inc., Pilipinas Shell Petroleum Corp., at Seaoil Philippines Inc., na tataas ng P1.15 ang presyo ng kada litro ng gasolina habang P0.35 sa diesel at P0.30 sa kerosene.

Magpapatupad din ng parehong pagbabago sa presyo ang Cleanfuel at Petro Gazz.

Please follow and like us: