Panibagong Oil Price Hike, epektibo na ngayong araw

oil 3

 

Nagpatupad na ng panibagong pagtataas ang ilang kumpanya ng langis sa presyo ng kanilang gasolina at kerosene.

Sa abiso ng Shell Philippines, PTT Philippines, Phoenix Petroleum at Seaoil,nadagdagan  ng ₵25  sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina habang ₵15 sentimos naman  ang dagdag sa presyo ng kada litro ng kerosene o gaas.

Epektibo  na ang nasabing dagdag presyo kaninang alas-sais ng umaga.

Kaparehong presyo din ang itinaas  ng Flying V sa kada litro ng gasolina at kerosene  na  epektibo naman kaninang hatinggabi.

Wala namang anunsiyo kaugnay sa presyo ng diesel ang mga oil company.

 

 

 

Please follow and like us: