Panibagong oil price hike, nagbabadya na naman sa susunod na linggo

Napipinto na namang magpatupad ng panibagong oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Sa fuel forecast ng Unioil, sinabing maaaring pumalo ng P1.10 hanggang P1.20 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Habang nasa 40 hanggang 50 sentimos ang maaari namang itaas sa presyo ng diesel.

Matatandaang noong Martes, October 19 ay nagpatupad ng P1.80 taas-presyo sa kada litro ng gasolina, P1.50 naman sa diesel at P1.30 sa kerosene.

Kung sakali, ito na ang magiging ika-siyam na magkakasunod na linggong oil price hike.

Wala pang anunsiyo ang iba pang kumpanya ng langis.

Please follow and like us: