Panibagong oil price hike, sasalubong sa mga motorista sa Marso

Isa pang oil price hike ang nakatakdang ipatupad sa unang araw ng Marso.

Sa fuel price forecast para sa Marso 1-7 trading week, sinabing maaaring tumaas sa P0.80 hanggang P0.90 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Habang nasa P0.90 hanggang P1.00 naman ang maaaring itaas sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Ito na ang ika-siyam na magkasunod na linggong taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Please follow and like us: