Panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, asahan sa mga susunod na araw

Inaasahang magpapatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa mga susunod na araw.

Sa fuel price forecast ng Unioil Petroleum Philippines, maaaring maglaro sa 20 hanggang 30 sentimos ang bawas presyo sa kada litro ng diesel.

Habang maaaring umabot naman sa 90 sentimos hanggang piso ang bawas sa kada litro ng gasolina.

Matatandaang noong nakaraang Martes, April 5 ay nagpatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang oil companies.

Please follow and like us: