Panukalang batas na nagbabawal sa mga employer na tawagan ang mga empleado kapag rest hour isinusulong sa Senado

Isinusulong sa Senado ang panukalang batas na nagbabawal sa mga employer na papasukin o tawagan para sa isyung may kinalaman sa trabaho ang isang empleyado sa panahong siya ay naka break o rest hours.

Sa Senate bill no. 2475 na inihain ni Senador Francis Tolentino o ang Workers’ Rest Law maaring patawan ng parusa ang mga employer na lalabag.

Paliwanag ni Tolentino dahil sa pandemya nakatulong ang work from home at telecommuting arrangement.

Pero tila lumiit aniya ang espasyo para sa personal time ng mga manggagawa.

Katunayan, dahil sa mas mabilis na komunikasyon kahit tapos na ang working hours, mas madalas tinatawagan pa ng mga employer ang mga empleyado para mag-update , mag follow up o kaya’y ma extend ang kanilang trabaho.

Sakaling maging batas ang mga lalabag maaring patawan ng multa hanggang pagkakabilanggo.

Sakop ng panukala ang lahat ng mga manggagawa sa lahat ng establishment.

Pero hindi nito sakop ang mga field personnel , domestic helper at nasa personal service status.

Meanne Corvera

Please follow and like us: