Panukalang Sim card registration posibleng ipasa bago matapos ang taon

Nababahala na rin sina Senador Nancy Binay at JV Ejercito sa pagkalat ng text scam.

Ayon kay Binay, nakakatakot na ang natatanggap niyang mga text message  na may nakalagay na pangalan niya.

Tanong ni Binay paanong nakuha ang personal information niya gayong hindi naman niya ginagamit ang kaniyang phone numbers sa anumang online transactions.

Pangamba ng Senador baka sa susunod ay mga personal na impormasyon na ng kaniyang pamilya at bank accounts ang makuha ng mga scammers.

Samantala, si Senador JV Ejercito naman ay muntik na ring mabiktima ng text scam at tinangkang hingan pa ng pera.

Kuwestyon ng Senador bakit walang ginagawang hakbang ang National Telecommunications Commission hinggil dito.

Ayon kay Senador Grace Poe, mamadaliin na nila ang pagdinig sa isyu na isa sa mga prayoridad ng Senado.

Target nilang maipasa ito bago matapos ang Nobyembre ngayong taon.

Meanne Corvera

Please follow and like us: