Panunumpa ng mga bagong abogado, isasagawa sa May 2 sa MOA Arena

Itinakda ng Korte Suprema sa Mayo 2 sa SM MOA Arena ang panunumpa ng mga bagong abogado.

Sa abiso ng Office of the Bar Confidant, gaganapin ang oath taking sa ganap na 1:00 ng hapon.

Limitado lang ang seremonya sa mga manunumpa, mahistrado ng Supreme Court, examiners, law school deans, ilang opisyal ng SC, at organizers.

Ang mga panauhin ng inductees ay maaaring panoorin ang oath taking sa SMX Convention Center kung saan ipapalabas ang live feed ng seremonya.

May live broadcast din ng panunumpa sa official Youtube channel ng SC Public Information Office.

Kinakailangan naman na magprisinta ng negatibong RT PCR test ang unvaccinated attendees habang vaccination card ang dapat na lang iprisinta ng mga fully vaccinated.

Moira Encina

Please follow and like us: