Papasok na bagong administrasyon nahaharap sa tatlong malalaking hamon – Malakanyang

Ipinagpauna na ng Malakanyang na nahaharap sa tatlong malalaking hamon ang papasok na administrasyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar unang hamon na sasalubong sa bagong administrasyon ay may kinalaman sa ekonomiya na pininsala ng pandemya ng COVID-19, ikalawa ay pagharap sa mga bagong variant ng corona virus at pangatlo ang ukol sa seguridad na may kinalaman sa ilegal na droga, kriminalidad at terorismo.

Ayon kay Andanar bagamat ang tatlong nabanggit na isyu ay sinikap ng Duterte Administration na resolbahin hindi tuluyang nasolusyunan dahil sa lawak ng problema at kakapusan ng panahon.

Inihayag ni Andanar ramdam ng taongbayan ang ginawang pagharap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng problema ng bansa dahil sa huling dalawang buwan ng kanyang termino ay napanatili niya ang kanyang mataas na trust, approval, performance at popularity rating.

Vic Somintac

Please follow and like us: