Parehong work arrangement sa SC, ipinatutupad sa appellate collegiate courts

Ipinagutos ng Korte Suprema na ipatupad ang parehong work arrangement nito sa mga appellate collegiate courts at judicial offices ng mga ito.

Dahil dito, fully operational din ang Court of Appeals, Sandiganbayan, at Court of Tax Appeals simula Disyembre 1.

Pero, kalahati ng mga court personnel ay papasok ng on-site ng Lunes hanggang Miyerkules habang ang kalahati ay mula Huwebes hanggang Sabado.

Work from home ang mga kawani sa dalawang araw na hindi nila ipapasok nang pisikal sa hukuman.

Limitado pa rin ang personal filing sa mga nabanggit na korte.

Moira Encina

Please follow and like us: