Paris 2024, target ni Obiena

Photo: Philippine Olympic Committee FB

Nakapokus ngayon ang Filipino pole vault standout na si Ernest John “EJ” Obiena na makakuha ng Olympic medal sa 2024 Paris Games.

Matapos na maka-11th place lamang sa nakaraang Tokyo Olympics noong July, natitiyak ng 25 anyos na si Obiena na wala siyang ibang nais ngayon kundi mag-qualify sa Paris at makakuha ng medalya.

Sa kaniyang post sa Facebook ay sinabi ng Southeast Asian Games gold medalist at record-holder na napakaraming tanong, ngunit iisa aniya ang sagot at iyon ay ang kagustuhan niyang manalo.

Sa kaniyang post ay sinimulan na rin niya ang countdown sa Paris Games na aniya’y 999 na araw na lang.

Muli namang nangako ang Philippine Sports Commission (PSC) na susuportahan si Obiena.

Bukod sa Paris ay lalahok din si Obiena sa Hanoi Southeast Asian Games sa Mayo ng susunod na taon at Hangzhou Asian Games sa Setyembre.

Please follow and like us: