Pasok sa Bacoor City MTCC, suspendido dahil sa baha sa lugar; ilang pang korte pisikal na sarado bilang pag-iingat sa COVID-19

Pisikal na sarado ang ilang korte sa bansa bunsod ng mga pagbaha at pag-iingat laban sa COVID-19.

Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, walang pasok ngayong July 22 sa Bacoor City, Cavite Municipal Trial Court in Cities dahil sa baha sa lugar.

Samantala, naka-lockdown naman hanggang August 3 ang Cabanatuan City, Nueva Ecija Branch 2 at ang RTC Branch 24 ng Ilocos Sur sa Hall of Justice ng Cabugao.

Hanggang July 30 naman sarado ang Polomok, South Cotabato RTC Branch 39 habang hanggang July 28 ang Initao, Misamis Oriental RTC Branch 44.

Ito ay para bigyang-daan ang quarantine ng mga kawani at disinfection sa mga nasabing korte.

Maaari namang ma-contact ang mga hukuman sa kanilang opisyal na email addresses at hotlines.

Moira Encina

Please follow and like us: