Pasok sa first- at second-level courts sa NCR, suspendido ng dalawang araw

Walang pasok simula sa Huwebes, Enero 6 hanggang Biyernes, Enero 7 sa lahat ng first- at second-level courts sa Metro Manila.

Sinuspinde ang pasok sa mga nasabing NCR courts dahil sa dumaraming bilang ng positive cases ng COVID-19 sa hanay ng mga hukom at kawani sa halos lahat ng court stations sa rehiyon.

Ayon pa sa sirkular na inisyu ng Office of the Court Administrator, ang Metro Manila ay nagiging “critical risk” na lugar sa COVID sa mga nakalipas na araw.

Kaugnay nito, iniutos ng OCA sa executive judges na makipagugnayan sa LGUs para sa pagsasagawa ng disinfection sa mga hukuman, malawakang contact tracing at antigen o RT-PCR testing sa mga hukom at empleyado.

Moira Encina

Please follow and like us: