Pasok sa ilang DPWH District Engineering Office sa W.Visayas, suspendido dahil sa mga kaso ng COVID-19

Walang pasok hanggang ngayong Biyernes, Hunyo 11 ang dalawang district engineering offices ng DPWH sa Western Visayas dahil sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Sa abiso ng DPWH Region VI, sinabing pansamantalang suspendido ang office operations ng Iloilo 4th District Engineering Office na nasa Brgy. Bolong Este, Sta. Barbara, Iloilo.

Ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng Sta. Barbara Task Force COVID-19 Operations Center makaraang nagpositibo sa COVID ang 12 sa mga kawani ng tanggapan.

Kanselado rin ang pasok sa opisina ng mga tauhan ng Aklan District Engineering Office sa Kalibo, Aklan dahil din sa mga positibong kaso ng virus.

Moira Encina

Please follow and like us: