Pasok sa Korte Suprema at Court of Appeals, suspendido mula June 29 -30

Nagdeklara ng work suspension ang Korte Suprema at Court of Appeals mula Hunyo 29 hanggang 30 kaugnay ng inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos Jr.

Sa magkahiwalay na kautusan ng Supreme Court at CA, sinabi na apektado ang mga daan patungo rito ng mga ipatutupad na road closures at traffic rerouting bilang bahagi ng mga seguridad sa inagurasyon sa June 30.

Ito ay batay sa inilabas na traffic advisory ng MMDA at ng Manila City LGU.

Dahil dito, nagpasya ang SC at CA na suspendihin ang pasok sa trabaho ng mga empleyado nito bago at sa mismong araw ng inagurasyon.

Moira Encina

Please follow and like us: