Pasok sa mga korte sa bansa ngayong Oct. 29, hanggang 12nn lang

Inanunsiyo ng Korte Suprema na half-day lamang ang iskedyul ng pasok ng lahat ng hukuman sa bansa ngayong araw, Oktubre 29.

Ayon kay Acting Chief Justice Estela Perlas- Bernabe, ito ay para bigyan ng oras ang mga court personnel na makapaghanda para sa darating na Undas ng mga Katoliko.

Ang November 1 ay idineklarang special non-working holiday ng Malacañang.

Moira Encina

Please follow and like us: