Patuloy na smuggling ng imported agricultural product , Iimbestigahan ng Kamara

Naalarma na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa patuloy na smuggling activities o pagpupuslit sa bansa ng imported Agricultural products.

Dahil dito ,naghain ng House Resolution 311 sina Sultan Kudarat Congressman Horacio Suansing at Nueva Ecija congresswoman Mikaela Angela Suansing na naglalayong gamitin ng Kongreso ang oversight power sa isyu ng smuggling sa bansa.

Kabilang sa patuloy na ipinupuslit sa bansa ang asukal, bigas at sibuyas.

Inihayag ng dalawang mambabatas na panahon na para maalisan ng maskara ang mga nasa likod ng talamak na smuggling ng Agricultural products.

Ang smuggling ng imported Agricultural products ang pumapatay sa mga lokal na magsasaka at ikinalulugi ng gobyerno ng bilyong pisong revenue collections.

Vic Somintac

Please follow and like us: